Pormal na ng nanumpa para sa kaniyang ikalawang termino si Zambia President Hakainde Hichilema.
Ito ay matapos na maaresto ang katunggali nito na si Brian Mundubile dahil sa kasong treason.
Nasweep ni Hichilema ang halalan noong Agosto 13 kung saan mayroon itong nakuhang 60 percent na boto habang ang kaniyang katunggali ay mayroon lamang na 38 percent.
Umapela sa korte si Mundubile kaya isinagawa ang muling pagbibilang ng boto.
Maging ang mga observers mula sa European Union ay nagduda sa resulta kung saan nagkaroon ng mahinang beripikasyon sa pagitan ng digital entries at paper records.
Isang araw matapos ang halalan ay ni-raid ng mga otoridad ang lugar ni Mundubile dahil iniuugnay siya sa pagpatay sa dating cabinet ministers at pag-aresto sa ilang mga kalaban sa pulitika.
Naaresto sina Mundubile at running mate nito na si Makebi Zulu matapos ang kanilang pagtatago ng ilang araw.
Dumalo sa panunumpa ni Hichilema ang mga pangulo ng Kenya, Botswana, Zimbabwe, Namibia at Tanzania.
Ang 64-anyos na si Hichilema ay unang naupo sa puwesto noong 2021 matpaos ang landslide victory.















