-- Advertisements --
Pinangunahan ng Group A ang pagbubukas ng FIFA World Cup 2026 sa Mexico, na binubuo ng Mexico, South Africa, South Korea, at Czechia.
Kanina, alas-3 ng madaling araw (oras sa Mexico), nagharap ang Mexico at South Africa sa Estadio Azteca sa Mexico City.
Sa naturang laban, ibinulsa ng Mexico ang 2-0 panalo laban sa South Africa sa pamamagitan ng mga goal nina Raul Jimenez at Julian Quinones.
Sa kabila ng tatlong red cards na inilabas ng referee, matagumpay pa ring naipanalo ng Mexico ang opening match.
Susundan ito ng laban sa pagitan ng South Korea at Czechia na gaganapin sa Guadalajara, Mexico.
Bago ang opening match, dumating na rin ang mga delegasyon mula sa 40 iba pang bansa para sa pinakamalaking World Cup sa kasaysayan.
















