DAVAO CITY- Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng pamilya ng isang 64 anyos na retired OFW ang sinapit nito na namatay matapos masunog ang isang bahay sa 378 Sampaguita St Juna Subdivision nitong lungsod.

Sa imbestigasyon ng Bureau of Fire protection, nagsimula ang sunog sa kuwarto ng biktima matapos na hindi umano napatay ang sigarilyo.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kumot, unan at beddings sa kuwarto at dahil sa sobrang kapal ng usok na-suffocate ang biktima na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Napag-laman na nakikitira lamang ang biktima sa nasabing bahay na pagmamay-ari ng kanyang kapatid na nakilalang si Armando Nidea, 68 anyos na isa ring dating OFW.