-- Advertisements --
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr.
Ito ay kinumpirma mismo ni presidential spokesperson Harry Roque.
Kung maalala noong buwan ng Pebrero nang magsumite si Rio ng kanyang resignation matapos masangkot sa maanomalyang paggasta ng DICT ng P300 million confidential funds.
“The Palace thanks Usec. Rio for his invaluable services to the nation and we wish him well in all his future endeavors,” ani Roque sa isang statement.
Noong Marso, hindi tinanggap ni Duterte ang kanyang resignation.