Bahagyang bumaba ang reserbang dolyar ng Pilipinas o gross international reserves (GIR) level noong buwan ng Setyembre kumpara sa naunang buwan ng Agosto.
Batay sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nasa US$95.0 billion ang reserbang dolyar sa pagtatapos ng buwan ng September nitong taon kumpara sa pagtatapos ng buwan ng Agosto na nasa US$97.4 billion.
Sa kabila nito ang gross international reserves ay kumakatawan sa sapat na external liquidity buffer na katumbas sa 7.6 months’ na halaga ng imports of goods at payments sa mga serbisyo at pangunahing kita.
Liban nito, ang dolyar ng bansa ay nasa 6.8 beses kumpara sa short-term na pagkakautang ng Pilipinas.
Nagpaliwag pa ang BSP na ang month-on-month decrease sa dollar reserves ay bunsod na rin ng pagbabayad ng national government sa foreign currency at paghina ng halaga ng ginto sa international market.
“Similarly, the net international reserves, which refers to the difference between the BSP’s reserve assets (GIR) and reserve liabilities (short-term foreign debt and credit and loans from the International Monetary Fund (IMF)), decreased by US$2.4 billion to US$95.0 billion as of end-September 2022 from the end-August 2022 level of US$97.4 billion,” bahagi ng statement ng BSP.