CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng rescue operations ang tropa ng militar sa mga lugar na naapekuhan ng malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Major Jekyll Dulawan, DPAO chief ng 5th Infantry division Philippine Army, sinabi niya na 26 na rescue and retrieval team ang itinalaga ng 5th ID na magmo-monitor sa mga apektadong barangay mula Isabela hanggang lalawigan ng Nueva Vizcaya at Ifugao.
Maliban dito ay naka-preposition na rin ang karagdagang 100 teams mula sa Cordillera Administrative Region at Region 2 sakali mang kakailanganin pa ng re-enforcement dahil sa naganap na malawakang pagbaha.
May mga nakaantabay na ring relief goods sa tanggapan ng 5th ID na maaaring gamitin sa pagsasagawa ng relief operations.