Diamond Princess cruise ship
M/V Diamond Princess cruise ship

Tiniyak ngayon ng Office of the President (OP) na nakalatag na lahat ng precautionary measures at safety protocols para sa maayos at walang aberyang repatriation ng halos 500 Pilipinong sakay ng M/V Diamond Princess na nasa Yokohama, Japan.

Una nang inaprubahan at inianunsyo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang paglilikas sa ating mga kababayan matapos lumaki pa ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 na sakay ng nasabing cruise ship.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isasakay ng dalawang chartered flights mula Haneda Airport ang nasa 497 Pilipino na inaasahang darating sa bukas, araw ng Linggo sa Clark International Airport saka dadalhin sa Athlete’s Village sa New Clark City, Tarlac para sumailalim sa 14-day quarantine.

Pero sa pinakabagong abiso, inilipat ang petsa ng paglilikas sa “early next week.”

Samantala, tiniyak naman ni Sec. Panelo na lahat ng kinauukulang ahensya gaya ng Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Bureau of Immigration ay handang-handa na para sa gagawing repatriation at masiguro ang kaligtasan ng mga iuuwing kababayan at mga personnel na susundo na sa kanila.

“Upon arrival, any repatriate who will manifest symptoms of the coronavirus disease 2019 (COVID-19) shall be brought immediately to the nearest hospital that may be referred by the Department of Health. With respect to asymptomatic repatriates, they shall be securely transported to the Athlete‚Äôs Village in New Clark City to again undergo fourteen (14) days of quarantine,” ani Sec. Panelo.

“The pertinent departments and agencies, including the Department of Health, the Department of Foreign Affairs, the Department of the Interior and Local Government, the Overseas Workers Welfare Administration and the Bureau of Immigration, among others, are already preparing to execute the repatriation plan and are set to provide support and assistance for the safety of the repatriates, as well of the personnel who are tasked to render aid therefor.”