BUTUAN CITY – Walang gaanong danyos nga naihatid ang bagyong Auring sa Caraga Region.

Ito ang assessment ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang isinagawang aerial survey sa buong rehiyon bago ang isinagawang situational briefing sa kanyang mga cabinet members sa Tandag City sa Surigao del Sur.

Inihayag ng pangulo na may nakita siyang kaunting danyos lamang na kaagad umano niyang ipa-repair ngunit ang mas pinapatutukan niya ay ang pagkain para sa mga apektado.

Samantala, puno naman ng pasasalamat si Surigao del Sur Alexander ‘Ayec’ Pimentel sa pagbisita ng pangulo at ng kanyang mga cabinet members sa ilang lalawigan.

Na-ibsan umano ang kalungkutan ng mga Surigaonons sa agarang pagbisita ng pangulo sa kanilang lalawigan at sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

-- Advertisement --