BUTUAN CITY – Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa Caraga Region kungsaan ang kakulangan ng testing ang nakitang isa sa mga dahilan na magiging mataas ang kaso nito sa darating na panahon.
Ayon kay Anthony Torralba, ang Regional Program Officer sa non-government organization na Protect Upscale-SHIP PFSI, sa Marso pa lang nitong taon, mayroon ng 37 mga kumpirmadong kaso silang naitala na hindi gaanong marami ngunit increasing ito, dahil ang Caraga Region ay nakapagtala ng hindi bababa sa 30 mga kaso kada-buwan.
Dagdag pa ni Torralba, ang kanilang ahensya kasama ang Butuan City Health Office, Surigao City Health Office ug San Francisco Rural Health Unit o RHU sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur ang nangunguna sa patuloy na testing coverage sa rehiyon.
Ayon pa kay Torralba, kung kaunti lang ang magpapa-test, kaunti rin ang mare-record nilang kaso sa HIV, at kung patuloy na magmamatigas ang mga indibidwal na dudang mayroon silang HIV, darating ang panahong siguradong magpapatuloy ang hidden epidemic ng HIV sa rehiyon.