-- Advertisements --

Ipinangalan sa Journnalist na si Doris Bigornia ang bagong diskubre na bulaklak sa Caraga, Eastern Mindanao kung saan ilan lang sa bagong dalawang species na nadiskubre sa lugar.

Ang naturang bulaklak ay may pangalan na ‘Begonia dorisiae’

Ayon sa author ng pagaaral ng bulaklak, ‘The specific epithet dorisiae is a tribute to broadcaster Doris Bigornia whose name became an informal, yet very useful monicker of the genus Begonia especially for local communities.’

Paliwanag pa nito na kaya nila ipinangalan ang bagong diskubre na bulaklak sa isang personalidad ay para mas madaling matandaan ng mga Filipino botanist ang isang species. Gayundin ang paghikayat sa interes ng publiko na matandaan ito.

Inirekomenda ng may-akda ng pag-aaral na dapat itala ang diskubreng species bilang ”vulneraqble” dahil tinatayang may humigit kumulang 1,000 lamang na matured na bulaklak ang meron nito.

Dagdag pa rito, iminungkahi rin nagawing restricted o limitadong lugar ang tirahan ng bulaklak na malapit sa baybayin dahil posibleng malagay ito sa panganib lalo na sa mga banta ng bagyo.