-- Advertisements --

BUTUAN CITY – BUTUAN CITY – Umabot sa 71 mga bagong Patient Transport Vehicles (PTVs) ang personal na ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga local government units (LGUs) sa buong Caraga Region.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na ang mga naturang sasakyan ay bunga ng mga programa at kita ng PCSO, at dahil dito, 76% na ng mga LGU sa buong bansa ang mayroon nang ganitong uri ng sasakyan.

Target umano ng pamahalaan na maipamahagi ito sa 100% ng mga LGU bago matapos ang taon.

Tiniyak din ng pangulo na kumpleto sa pangunahing kagamitan ang bawat sasakyan — kabilang na ang stretcher, oxygen tank, wheelchair, first aid kit, blood pressure monitor, mga gamot, at iba pang kagamitang pang-emerhensya na magagamit sa pagtugon sa mga nangangailangan ng agarang lunas.