Nagbigay ng sorpresa si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa kanyang latest vlog nang ipakita ang impeachment complaint na inihanda laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanyang vlog na ipinalabas noong Oktubre 8, sinabi ni Barzaga, “Welcome back to the crocodile farm”, isang banat sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso.
Ayon kay Barzaga, ang impeachment ay nakabatay sa “paglabag sa tiwala ng publiko” at layunin niyang tanggalin si Marcos upang magsimula ng imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects.
Ang impeachment complaint ay kailangang isumite kay House Secretary General upang opisyal na maisagawa. Kung itutuloy, ito ang magiging kauna-unahang impeachment complaint laban kay Marcos.
Si Marcos na rin ang nagbunyag ng mga alleged anomalies sa flood mitigation projects ng gobyerno. Bilang tugon, bumuo ang Malacañang ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) upang imbestigahan ang isyu. (report by Bombo Jai)