-- Advertisements --

Papayagan na ang pagsasagawa ng religous gatherings simula Hulyo 10 para sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakapaloob ito sa Resolution 51 na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) sa kanilang pulong kahapon.

Ayon kay Sec. Roque, 10 porsyento lamang ang maaaring mapahintulutang makadalo sa isang pagtitipon o aktibidad na may kinalaman sa relihiyon.

Inihayag ni Sec. Roque na ilalabas nila ang kaukulang guidelines kaugnay dito.

Maliban dito, pinapayagan na rin ang practice at conditioning sa basketball at football alinsunod sa rekomendasyon ng Philippine Sports Commission (PSC) at iba pang sports associations.