Umaapela na ang lokal na pamahalaan ng Ibayat, Batanes para sa dagdag na tulong para sa mga mamamayan nilang naapektuhan ng malakas na lindol.

Ayon kay Ibayat Mayor Raul de Sagon, pang isang linggo na lang ang natitirang relief supply para sa kanilang mga kababayan na hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik sa kanilang tahanan.

Matatandaang siyam ang nasawi sa pagguho ng ilang bahay at istraktura sa nasabing bayan, habang 60 naman ang nasugatan.

Maliban sa lindol, marami rin ang naapektuhan ng magkakasunod na sama ng panahong nagpa-ulan sa lalawigan ng Batanes.

Nabatid na pansamantalang nakatira ang ilang mamamayan ng Itbayat sa mga tent, habang hindi pa naipapagawa ang kanilang mga bahay.