-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Task Force PhilHealth na pagsasampa ng criminal atadministrative charges laban kay resigned Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) President/Chief Executive Officer Ricardo Morales at iba pang executive officials na sangkot sa katiwalian sa state insurer.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa ni Pangulong Duterte ang pag-apruba sa rekomendasyon ng task force kagabi sa isinagawang public address ng chief executive.

Kabilang sa mga nahaharap sa kasong kriminal at administratibo sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus at Division Chief Bobby Crisostomo.

Ayon kay Pangulong Duterte, ikinalulungkot nito pero kailangang sumailalim sa paglilitis ang mga akusadong opsiyal.

Sina Morales, De Jesus, Limsiaco at Pargas ay kasama sa inirekomenda ng Senado na kasuhan matapos ang isinagawang imbestigasyon.