KALIBO, Aklan – Ipinasiguro ni Environment Secretary Roy Cimatu na hindi makakahadlang ang muling pagkapanalo sa katatapos na eleksyon ng napatalsik na mayor ng Malay na si Ceciron Cawaling sa nagpapatuloy na rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Napatalsik si Cawaling dahil sa diumano’y pagpapabaya sa environmental problems sa isla.

Ipinaliwanag ni Cimatu na may 11 buwan pa ang Boracay Inter-Agency Task Force upang trabahuhin ang iba pang kinakailangang gawin upang mapanatili ang nasimulang rehabilitasyon mahigit isang taon na ang lumipas.

Sinabi pa ng kalihim na mahigpit pa rin na ipinapatupad ang polisiya at mga ordinansa sa isla.