-- Advertisements --

BOMBO ILOILO- Regional Inter-Agency Task Force, pinasinungalingan ang pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na may lockdown sa Western Visayas

Ito ay kasunod ng pag-alma ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na hindi sila nakonsulta sa pagpapatupad ng lockdown sa rehiyon na sa huli ay binago ayon sa kautusan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.

Sa official joint statement na nilagdaan nina DILG Region 6 Director Juan Jovian Ingeniero at Office of the Civil Defense (OCD) Region 6 Director Jose Roberto Nuñez, nilinaw na ang mga ‘essential travelers’ lang mula sa National Capital Region at sa travel bubble circuit mula Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal lang ang pinahihintulutan na maglabas-masok sa Western Visayas mula ngayong araw hanggang Abril 4, 2021.

Ang mga essential travelers ay kinabibilangan ng health and emergency frontline personnel; government official at government frontline personnel; duly authorized humanitarian assistance actors; mga luluwas ng bansa at Overseas Filipino Workers.