-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naitala ng Department of Health – Center for Health Development Soccsksargen Region ang pinakamataas na bagong talang COVID-19 positives sa rehiyon.

Ayon sa situation report ng DOH-CHD XII, ang 11 na bagong COVID-19 positives ay pawang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) mula sa Manila kung saan 7 rito ay residente ng lalawigan ng South Cotabato habang ang 4 naman ay residente ng Cotabato City.

Dahil dito, umakyat na sa 102 ang total recorded COVID-19 cases sa Region 12.

Samantala, apat na COVID-19 recoveries naman ang naitala ng ahensiya ngayong araw.

Ang mga ito ang residente ng lalawigan ng Sultan Kudarat dahilan upang sumampa sa 51 ang total recoveries sa rehiyon.

Patuloy pa din ang paalala ng DOH-XII sa pagsunod sa minimum health standard protocol ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) tulad ng pagsuot ng facemask, physical distancing at ang paghugas ng mga kamay oras-oras upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.