Tumangging magbigay ng kanyang kumento ang kasalukuyang kalihim ng Department of Justice hinggil sa isyu ng hindi pagsunod ni Atty. Gilberto Repizo sa kanyang inilabas na direktiba.
Kung saan umiwas munang ibahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang reaksyon sa naging hakbang o aksyon na ginawa ng sinibak sa pwestong hepe ng Board of Special Inquiry ng Bureau of Immigration.
Paliwanag kasi ng naturang kalihim ng kagawaran na ito’y hindi pa muna dapat pinag-uusapan sapagkat ang isyung ito ay itinuturing pa na isang ‘internal matter’.
Giit pa niya’y kasalukuyang nasa ‘due process’ pa ito kaya’t hindi pa umano raw pwedeng pag-usapan at isapubliko.
Maalala na sinibak ni Justice Secretary Remulla si Board of Special Inquiry Chief Atty. Gilberto Repizo mula sa kanyang pagkakaupo sa bisa ng inisyung department order.
Ito ay kasunod o kasabay ng mga isyung kumakalat ngayon sa pagitan nina Atty. Repizo at ng kasalukuyang Commissioner ng Bureau of Immigration na si Commissioner Joel Anthony Viado.
Kaya’t ng matanggap ng sinibak sa puwestong si Atty. Gilberto Cruz ang naturang dokumento mula sa opisina ng kalihim ng Department of Justice, kanyang sinagot ito ng hindi pagsunod sa kanyang direktiba.
Kanyang binigyang diin ang kanyang karapatan na nakasaad sa sinusunod na resolusyon sa Civil Service Commission partikular sa 2017 Omnibus Rules on Appointment and other Human Resource Actions.