Itinaas sa Red Alert ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Operations Center- Central Visayas ang alert status matapos niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu kagabi, Setyembre 30, kung saan ang epicenter ay sa Bogo City.
Ayon sa mga awtoridad, naka-standby at handang i-deploy sa mga apektadong lugar ang mga miyembro ng Response Clusters .
Isinaaktibo rin ng isang virtual Emergency Operations Center upang matiyak ang masusing pagmamanman, pagpapalakas ng koordinasyon, at mabilis na pag-uulat sa mga miyembro ng Disaster Risk Reduction Council, Response Clusters, at mga lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar.
Dahil sa lakas ng lindol, suspendido ang mga klase ngayong araw, Oktubre 1, 2025 sa Cebu at Bohol upang bigyang-daan ang inspeksyon ng mga paaralan at mga gusaling pampamahalaan.
Sa Cebu Province, kabilang sa mga nagsuspende sa lahat ng antas mapapampubliko at pribadong paaralan ay ang mga sumusunod:
Alcantara
Alcoy
Alegria
Aloguinsan
Asturias
Badian
Barili
Bogo City
Boljoon
Borbon
Carcar City
Compostela
Consolacion
Cordova
Dalaguete
Danao City
Dumanjug
Ginatilan
Madridejos
Malabuyoc
Mandaue
Medellin
Minglanilla
Moalboal
Naga
Pilar
Pinamungajan
Poro
Ronda
Samboan
San Fernando
San Francisco
Santa Fe
Santander
Sibonga
Sogod
Tabogon
Tabuelan
Talisay
Toledo
Tuburan
Tudela
Sa Bohol, nagdeklara na rin ng province-wide na suspension sa lahat ng klase sa parehong pampubliko at pribadong paaralan, pati na rin ang trabaho sa gobyerno.
Habang tinatasa pa ang kabuuang lawak ng pinsala, ang ilang ulat ay nagpapakita ng mga nasirang imprastraktura, kabilang ang mga bitak sa mga gusali at kalsada.
Naranasan din ang pagkawala ng kuryente at pagkaputol ng komunikasyon sa ilang partikular na lugar ngunit naibalik na rin.
Batay sa pinakahuling ulat, pumalo na sa mahigit 20 ang nasawi kasunod ng pagtama ng malakas na lindol, gayunpaman, inaasahang magbabago habang nagpapatuloy ang search and rescue at damage assessment.