FB IMG 1591954839508

Naitala ang record high na bilang ng mga recoveries sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob ng isang araw ngayong araw sa kabila ng pagtaas din ng kaso ng naturang virus.

Ayon sa Department of Health (DoH), kabuuang 289 ang bilang ng mga recoveries ngayong araw at may kabuuan nang 5,454 na naka-recover sa naturang virus.

Mayo 8 pa naitala ang record high recoveries na 116.

Samantala, nadagdagan naman ng 615 ang bilang ng mga nag-positibo sa covid at may kabuuan nang 24,787 ang mga infected sa naturang virus.

Sa fresh cases, galing sa National Capital Region (NCR) ang 97; sa Region 7, 92 at galing na sa ibang lugar sa bansa ang 147 na may kabuuang 336.

Sa late cases naman na may 279 na kaso, 84 dito ang mula sa NCR, 20 sa Region 7 at 165 dito ay mula na sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Samantala, medyo mataas naman ang bilang ng mga namatay ngayong araw na nasa 16.

Dahil dito lumobo pa sa 1,052 ang bilang ng mga namatay.