-- Advertisements --
VACCINATION PGH NTF
IMAGE | A healthcare worker of UP-PGH preparing to administer the Chinese-donated CoronaVac vaccine developed by Beijing-based Sinovac Biotech. The Philippine government began its inoculation program against coronavirus on Monday, March 1. An almost year after imposing the “world’s longest lockdown.”/NTF, Twitter

MANILA – Matapos ang halos limang buwan, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng “record high” na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na umabot sa 3,045 ngayong Biyernes, March 5.

Batay sa datos ng DOH, noong October 16, 2020 nang huling makapagtala ang Pilipinas ng higit 3,000 bagong kaso ng coronavirus, na umabot noon sa 3,132.

Dahil dito, pumalos na sa 587,207 ang total COVID-19 cases sa bansa.

“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 4, 2021.”

Lumobo sa 40,074 ang numero ng mga nagpapagaling o active cases, kung saan 95.3% umano ang mild at asymptomatic cases.

Nasa 0.77% naman ang moderate, 1.9% ang severe, at 2% ang critical cases.

Nadagdagan din ng 178 ang total recoveries, na ngayon ay nasa 535,207 na.

Habang 19 ang bagong naitalang namatay para sa total deaths na 12,423.

Una nang sinabi ng DOH na posibleng ang mga kaso ng COVID-19 variants mula United Kingdom at South Africa na na-detect dito sa bansa ang dahilan sa tumataas na namang kaso ng impeksyon.

Pero nilinaw na maaari ring dahil sa pagluluwag ng mga patakaran kasabay ng dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya.