-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa lampas 10,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang 10,016 ang nadagdag sa COVID-19 cases ng bansa ngayong araw, March 29. Kaya naman umakyat na ang total sa 731,894.

“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 28, 2021.”

Nasa 115,495 naman ang mga active cases o mga nagpapagaling.

Halos 96% sa mga ito ang mild cases; 2.4% ang mga asymptomatic cases; 0.7% ang mga severe at critical cases; at 0.41% ang moderate cases.

Sa tala ng DOH, 18% na ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 28,492 na nagpa-test sa COVID kahapon.

Ayon sa WHO, dapat hindi lumampas sa 5% ang positivity rate ng isang bansa sa COVID.

Nadagdagan naman ng 78 ang bilang ng mga gumaling, kaya nasa 603,213 na ang total recoveries.

Habang 16 ang nadagdag sa mga total deaths na ngayon ay 13,186 na.

“Of the 16 deaths, 6 occurred in March 2021 (38%), 1 in January 2021 (6%), 1 in December 2020 (6%), 1 in November 2020 (6%), 3 in October 2020 (19%), 2 in July 2020 (12%), 1 in June 2020 (6%), and 1 in April 2020 (6%). Deaths were from NCR (9 or 56%), CAR (2 or 12%), Region 3 (1 or 6%), Region 6 (1 or 6%), Region 4A (1 or 6%), Region 5 (1 or 6%), and CARAGA (1 or 6%).”

“14 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries. Moreover, 11 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”

Kung hihimayin ang datos ng DOH, ngayon ang ika-siyam na araw na nag-ulat ang bansa ng higit 7,000 bagong kaso ng COVID-19.

Nagsimula ito noong March 19 at patuloy na tumaas sa mga nakalipas na araw.

Una nang sinabi ng independent group na OCTA Research na posibleng abutin ng 11,000 ang bilang ng new cases sa bansa pagtatapos ng Marso.

Bagamat nagpatupad na ng bubble o mahigpit na quarantine ang pamahalaan sa NCR Plus, aabutin pa raw ng dalawang linggo bago makita ang epekto nito sa bilang ng COVID-19 cases.