-- Advertisements --
CEBU CITY – Iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-7) ang recipient ng mga items na nasabat ng ahensiya noong Sabado dahil naglalaman ito ng nasa tinatayang P81 million na halaga ng shabu.
Ayon kay PDEA-7 regional director Levi Ortiz, lumabas sa isa sa kanilang follow-up operations na idinaan by land ang naturang shabu sa pamamagitan ng courier services.
Isinailalim na sa imbestigasyon ang recipient ng mga items kung saan napag-alaman na nasa kanilang watchlist umano ito at nakatira sa lungsod ng Cebu.
Napag-alaman na sasampahan ng kaso ang shipper at ang recipient ng mga nakumpiskang items na nadiskubre matapos ang isinagawang random inspection ng PDEA sa mga courier warehouses at pantalan noong Sabado.