-- Advertisements --

ayungin4

Naging matagumpay ang isinagawang re-supply mission ng Western Command sa BRP- Sierra Madre sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS) nuong October 5,2022.

Ayon kay Joint Task Force West Commander, Captain Alan Javier ang matagumpay na re-supply mission ay bunsod sa isinasagawang constant dialogue ng Pilipinas sa kapitbahay nito ang China na agresibo sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ni Captain Javier kabilang sa mga supplies na ibinigay para sa mga sundalong naka station sa BRP Sierra Madre ay mga pagkain, tubig, gamot at iba pang mga supplies kabilang ang maintenance and repair equipment na kakailangain ng nasabing barko kasama ang crew nito.

Kinontrata ng Philippine Navu ang isang commercial boats na maayos na nakapasok at umalis ng Ayungin Shoal gamit ang nakasanayang entry at exit points.

Ito na ang ikatlong magkasunod na resupply activity na isinagawa ng gobyerno na walang naitalang pangha-harass o pambu-bully ng China.

Sa kabilang dako, ayon naman kay Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos talagang sinadya nila na hindi magpadala ng escort vessels sa commercial vessel na nagdala ng supply.

“Our current thrust is part of the trust-building efforts we are undertaking in response to the guidance of the President to exhaust all means to resolve the issues in the West Philippine Sea. Hence, continuing dialogues with Chinese authorities is one such approach,” pahayag ni Vice Admiral Carlos.

Paliwanag ni Carlos na lahat ng paaran ay kanilang gagawin para hindi magkaroon ng tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Phl Sea.

Inihayag naman ng mga crew ng supply boast na kanilang namataan ang presensiya ng 2 Chinese Coast Guard at limang Chinese Militia vessels habang sila ay papasokat palabas ng Ayungin Shoal.

Habang isinasagawa ang resuplly mission, nasagawa naman ng patrulya sa West Philippine Sea ang barko ng PCG ang BRP Malapascua (MRRV 4403).

“Today’s successful operations only show that if we continue to engage our neighbors in peaceful and constructive dialogues, we will understand each other better. We look forward to more interaction with China as our two governments seek a peaceful resolution to this regional impasse,” dagdag pa ni Carlos.