-- Advertisements --

Umabot sa P214.75 billion ang kinita ng gaming industry ng Pilipinas mula Enero hanggang Hunyo 2025, ayon sa datos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Tumaas ito ng 26% mula sa P171 billion noong parehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamalaki ang ambag ng electronic gaming sector tulad ng e-games, e-bingo, at bingo na kumita ng P114.83 billion o 53.47% ng kabuuang kita.

Ang mga lisensyadong casino, kabilang ang mga nasa Metro Manila, Clark, Cebu, La Union, at Rizal, ay nag-ambag naman ng P93.36 billion o nasa 43.47%.

Samantala, P6.56 billion o 3.06% ng kita ay mula sa mga PAGCOR-operated casinos.

Ayon kay PAGCOR Chairman Alejandro Tengco, layunin nilang tiyakin na ang paglago ng industriya ay naaayon sa responsableng paglalaro.

Bilang bahagi nito, nakipagkasundo na ang PAGCOR sa Ad Standards Council upang higpitan ang regulasyon ng mga patalastas ng sugal, at ipinag-utos na tanggalin ang mga gambling ads sa pampublikong lugar at primetime TV bago mag Agosto 15 ng taong ito.