Inaprubahan na ng House of Representatives sa second reading ang Resolution of Both Houses No. 7 na naglalayong amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa session kanina naaprubahan ang RBH No. 7 sa pamamagitan ng viva voce o voice voting.
Ang RBH No. 7 at ang RBH No. 6 ng Senado kung saan nagmula ang resolusyon ng Kamara ay nagmumungkahi ng mga pagbabago sa tatlong sumusunod na probisyon ng 1987 Konstitusyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pariralang “unless otherwise provided by law.
Tatlong probisyon sa Konstitusyon ang babaguhin ang edukasyon, public services at advertising.
Kung maaprubahan ang panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas ng Kamara at Senado at ratipikahan sa pamamagitan ng pelibisito, papayagan nito ang Kongreso na magpasa ng ,ga batas na magtatakda sa rate ng foreign ownership industries.