Hindi umano magpapasindak ang Toronto Raptors kahit inaasahan nilang may reinforcements nang darating para sa Golden State Warriors sa Game 4 ng NBA Finals.

Posible na raw kasing makapaglaro ulit sina Golden State stars Kevin Durant at Klay Thompson, na magiging malaking tulong para sa two-time defending champions na nakapako ngayon sa 2-1.

Giit ni Pascal Siakam, hindi raw sila natatakot sa kaninuman at patuloy nilang sasamantalahin ang kahinaan ng kalaban.

“You’re seeing our team build toughness, resiliency,” wika ni Siakam. “None of us were drafted super high. We built our careers from the ground up. That’s who we are.”

Kumpiyansa rin ang Toronto na taglay nila ang depensang kayang tibagin ang kinatatakutang line-up sa liga.

“That’s true,” ani Siakam. “But honestly, we’re really not afraid of anybody.”

Sa panig naman ng Warriors, partikular ni Stephen Curry, kaya nilang makabangong muli mula sa kasalukuyang sitwasyon.

“We can’t fall into the trap of thinking offense alone can win us another championship,” giit ni Curry.