-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea ang rapper na si Lil Nas X matapos ang pananakit sa isang pulis at pag-iwas sa pag-aresto.

Naaresto ang rapper noong nakaraang linggo matapos na ireklamo dahil sa paglalakad ng naka-brief lamang sa Los Angeles.

Nahaharap ang rapper o Montero Lamar Hill sa tunay na buhay na felony counts of battery with injury sa isang police officer at one felony count ng resisting arrest.

Base sa kapulisan ng respondihan nila ang tawag ukol sa insidente ay bigla na lamang silang sinaktan ng rapper.

Dinala muna ito sa pagamutan dahil sa hinihinalang drug overdose.

Nagkaroon ng pagdinig ang kaso ng 26-anyos na rapper sa korte sa Los Angeles kung saan itinakda ang piyansa nito ng $75,000.

Si Lil Nax X ay naging unang openly gay man na nakatanggap ng Country Music Association award dahil sa kanta nitong “Old Town Road” noong 2019.