Nalusutan ng Rain or Shine ang Phoenix 89-82 sa kanilang paghaharap sa PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Denzel Bowles ang panalo ng Rain or Shine na nagtala ng 28, 14 rebounds at limang assists.

Nag-ambag naman ng tig-15 points sina Javee Mocon at James Yap.

Hindi naman lubos akalain ni Rain or Shine coach Caloy Garcia na mananalo sila dahil sa naging hindi maganda ang simula ng kanilang paglalaro.