Reading Time: 1 minute
Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Buhay pa ang tsansa ng Rain or Shine para sa makapasok sa PBA Commissioner’s Cup Finals matapos talunin nila ang San Miguel Beermen 112-104.

Nanguna sa panalo ng Painters si Carl Montgomery na nagtala ng 25 points at 15 rebounds.

Nag-ambag naman ng 22 points si Rey Nambatac habang mayroong tig-16 points sina Javee Mocon at Beau Belga.

Nangamba si Rain or Shine coach Caloy Garcia dahil muntikan na silang ma-sweep ng Beermen ang best-of-five semifinals.

Target ng Rain or Shine na maitabla sa 2-2 ang laban sa Biyernes.

Nasayang naman ang nagawang 51 points ni Chris McCullough at 16 points ni Alex Cabagnot.