-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Israel na kanilang bubuksan na ang Rafah crossing sa pagitan ng Gaza at Egypt sa mga susunod na araw.
Ayon sa Israel na sa nasabing paraan ay papayagan na ang mga Palestino na makaalis sa teritoryo.
Pangungunahan ng Israeli military body na Cogat sa pakikipagtulungan sa Egypt para mapayapang pagbubukas ng Rafah crossing.
Itinuturing na ang hakbang ay suporta ng Israel sa kasalukuyang ceasefire sa Hamas na nagsimula noong pitong linggo na ang nagdaan.
Nakasaad sa 20-point Gaza peace plan na ang pagbubukas ng Rafah crossing ay dapat ay dalawang direksyon na magbibigay daan sa mga nais na pumasok at lumabas sa Gaza.
















