Patuloy na tatahakin ng Bagyong Quinta ang pa-kanlurang bahagi ng bansa hanggang ngayong Lunes ng hapon.
Sa latest bulletin ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometers sa kanluran ng Coron, Palawan, o 120 kilometers sa bahagi ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Taglay nito ang hangin sa bilis na 125 kilometers pero hour (kph) malapit sa gitna, at bugsong aabot sa 150 kph.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng bukas ng umaga ay lalabas na sa western boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang nasabing bagyo pero inaasahang mas lalakas pa sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Samantala, nasa ilalim ng (tropical cyclone wind) signal No. 3 ang northwestern portion ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island.
Nasa signal no. 2 naman ang Oriental Mindoro, Calamian Islands, at Batangas.
Habang ibinaba na sa signal No. 1 ang:
timog na bahagi ng Zambales (San Antonio, Castillejos, Subic, Olongapo City)
Bataan
timog-kanluran ng Pampaga (Floridablanca, Lubao, Sasmuan, Masantol),
timog-kanluran ng Bulacan (Hagonoy, Paombong, Malolos City, Bulacan, Obando, Meycauayan City)
Metro Manila
Rizal
Cavite
Laguna
Quezon kabilang ang Polillo Islands,
Marinduque, Romblon,
hilagang bahagi ng Palawan (El Nido, Taytay) kabilang ang Cuyo Islands
Sa Visayas, signal No. 1 din ang Aklan at bahagi ng Antique ((Laua-An, Barbaza, Tibiao, Culasi, Sebaste, Pandan, Libertad)