-- Advertisements --

Umapela si Quezon City Police District Acting Director PCol. Randy Glenn Silvio sa mga organizer ng malawakang rally sa Setyembre-21 na bantayan ang kani-kanilang miyembro at kapwa ralyista.

Umaasa ang opisyal na makikipagtulungan ang mga organizer sa mga law enforcer sa pagpapanatili ng kaayusan sa kabuuan ng rally.

Ayon kay Col. Silvio, makakatulong ng malaki na bahagi ng naturang protesta ang mga pari, bishop, at iba pang mga lider, para matiyak na hindi magmamalabis ang gagawing pagkilos.

Ayon kay Silvio, mayroon nang agreement ang mga organizer at ang Philippine National Police (PNP) kung saan nangako ang mga ito na babantayan din ang kanilang kasamahan, sa kabuuan ng kanilang aktibidad.

Mayroon na rin aniyang itinalagang marshall ang bawat grupo para bantayan ang kilos ng bawat protester.

Sa kabila nito, nakahanda aniya ang PNP na tumugon sa anumang posibleng pagmamalabis na maaaring gawin ng mga ralyista.

Sa mga nakalipas na araw, pawang mapayapang pagkilos aniya ang nangyari sa ilang mga lugar sa QC, tulad ng EDSA Shrine, People Powe Monument, University of the Philippines, atbpang lugar na nagsilbing venue ng mga kilos protesta.

Ngayong araw ay pinangunahan din ni Silvio, ang walkthrough sa People Power Monument para sa inaasahang September 21 rally