-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Quezon City Government ang nangyaring kasalan na nagdulot ng pagkahawaan ng COVID-19 ng nasa 72 katao.

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na iniimbestigahan na nila si Punong Barangay Allan Franza at ang Homeowners Association President Don Brabante at iba pa sa naganap na superspreader event sa Matandang Balara.

Base kasi sa ulat ng City Epidemiology Unit na sa kabuuang 255 na residente ng Area 7, Matandang Balara na kanilang na-iswab ay lumabas na mayroong 72 sa kanila ang nagpositibo sa COVID-19.

Dagdag pa ng alkalde na maiiwasan sana ang ganitong pangyayari kung hindi pabaya ang mga namumuno sa barangay.

Magsisilbi din aniya itong isang wake-up call dahil sa patuloy pa rin ang pananalasa ng COVID-19 sa bansa.