MOSCOW – Tutol si President Vladimir Putin sa ideya na tanggapin ang mga taong lumilikas mula Afghanistan sa mga bansa malapit sa Russia.
Base sa mga ulat ng Russian news agencies, ayaw daw kasi ni Putin na papasukun ang mga militanteng nagpapanggap bilang refugees.
Sa ngayon, ilang mga Western countries ang nagsabi na kung maari ay payagan muna ang mga refugees na lumikas sa mga kalapit na Central Asian countries habang inaasikaso pa ang kanilang visa sa United States at Europe.
Noong nakaraang linggo, napaulat na sekretong nakikipag-usap ang America sa ibang mga bansa para sa pansamantalang pagtanggap sa mga Afghans na nagtatrabaho sa US government.
Pero ayon kay Puton, bagama’t pinapayagan nila ang visa-free travel para sa mga residente ng ex-Soviet Central Asian countries ay tutol sila sa pagtanggap sa mga refugees mula Afghanistan sa ngayon. (Reuters)