-- Advertisements --
Siksik ang aktibidad ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pangalawang araw ng state visit sa Indonesia.
Sinimulan ito kanina sa Heroes Cemetery para sa pag-aalay ng bulaklak o wreath laying.
Pero bago ang pakikipagpulong nito kay Indonesian Pres. Jokowi Widodo, may state welcome ceremony muna sa Bogor presidential Palace sa Jakarta.
Pagkatapos ay gagawin ang tete-a-tete, joint press statement at state banquet.
Magkasama ring nagtanim ng puno ang dalawang pangulo ng Pohon Kayu Ulin o Eusideroxylon Zwageri na isang uri ng “hard wood.”
Bago ang mga event ngayong araw, una nang hinarap kagabi ng bumibisitang pangulo ang Filipino community sa nasabing bansa.