-- Advertisements --

danao2

Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na masisibak sa serbisyo ang naaresting pulis na sangkot sa iligal na pagbebenta ng sasakyan at armas.

Ayon kay Eleazar, inatasan na nito ang PNP Internal Affairs Service (IAS) na mag-imbestiga at simulan agad ang summary dismissal proceedings laban kay Police Staff Sergeant Michael Salinas na nakatalaga sa Manila Police District (MPF).

Batay kasi sa report, si Salinas ay isa sa walong katao na naaresto nuong September 3, 2021 dahil sa pagbebenta ng iligal na sasakyan at armas sa Paranaque City.

Una nang itinuro ni National Capital Region Police Office director M/Gen. Vicente Danao Jr si Salinas na utak ng sindikato nang makasama ito sa walong indibidwal na naaresto sa Parañaque City.

danao3

Magugunitang ipinangako ni Eleazar na hindi nila kukunsintihin ang mga bulok sa kanilang hanay sa ilalim ng kaniyang Intensified Cleanliness Policy (ICP) sa hanay ng pulisya.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar na mula July 2016, mahigit 5,000 pulis na ang sinibak sa serbisyo dahil sa iba’t ibang administratibong kaso kasama na ang mga kaso na may kinalaman sa iligal na droga.