(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang pumanaw ang isa sa anim na police officers na kabilang sa nasangkot nang madugo na road crash o banggaan ng patrol car at forward truck sa Sitio Mirasol Dos,Barangay Cabatian,Magsaysay, Misamis Oriental.
Kinilala ni Magsaysay Police Station commander Capt Stephene Latar ang nasawi na si Patrolman Clyde Retiquez na na nagmula 1st Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental Provincial Police Office.
Sinabi ni Latar na matindi ang mga sugat at pasa na tinamo ni Retiquez kaya hindi kinaya at binawian ng buhay mismo sa accident area.
Nagtamo naman ng seryoso na mga sugat sina Police Maj Joel Salo;Staff Sgt Manny Jefferson Valmoria habang malayo na sa peligro na sina Sr Master Sgt Saburnido,Cpls Nar Ghester Geroy at Gonzales.
Kakasuhan naman ng reckless imprudence resulting to homicide, reckless imprudence resulting to multiple physical injuries ug reckless imprudence resulting to damage to property ang truck driver na si Christian Rey Durango na taga-Butuan City.
Batay sa imbestigasyon,biglang nawalan ng preno ang trak kaya naararo ang police patrol na sinakyan ng mga biktima na magsasagawa pa naman sana ng responde sa lugar kahapon ng umaga.