DAVAO CITY – Patay ang isang bagitong Police matapus maputukan ng kanyang service firearm.

Kinilala ang biktima na si Patrolman Kim Lester Remonde Cosido, 27 anyos, walang asawa, nadistino sa Digos City Police Station at residente ng Purok Mauswagon, BrgyTubod, Bansalan, Davao del Sur.

Batay sa report, dinis-mantle ni Patrolman Cosido ang kanyang service firearms sa labas ng kanilang tahanan alas 3:45 ng hapon nang aksidente umanong pumutok ito.

Tinamaan si Cosido sa kanyang dibdib na tumagos sa kanyang likod.

Kaagad itong dinadala sa bahay pagamutan pero ideneklara ng mga doktor na dead on arrival.

Na-recover mula sa lugar na pinangyarihan ang isang dismantled Taurus firearm na may nakabarang basyo ng bala sa loob, isang magazine na may lamang 15 na bala ng 9mm at isang firearm case na may mga cleaning tools ng baril ng biktima.

Nasa kustodiya na ng bansalaman municipal police station ang mga gamit ni Patrolman Cosido para sa tamang disposition sa sa karagdagang iksaminasyon.

Samantala isina-ilaim na rin sa parafiin examination ang bangkay ng bagitong police.