-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Agarang pagresolba ng kaso ang mandato ni Police Regional Office 10 Director Brigadier General Rolando Anduyan sa naganap na pag-ambush sa buhay ni Police Corporal Nick Pangarongan, residente ng Zone 4,Brgy Del Carmen,Iligan City.
Sinabi ni PRO-10 spokesperson Police Lt Col Mardi Hortillosa na papauwi na sana ang biktima nang tambangan nga mga riding in tandem suspect sa malapit sa kanilang bahay.
Isang aktibong miyembro ng Regional Drugs Enforcement Unit ang nasabing corporal kung kaya’t malakas ang motibong work related ang ugat ng pamamaslang.
Swerte naman at hindi natamaan ng bala si Corporal Pangarongan dahil mabilis itong umiwas.
Kumaripas ng takbo ang mga suspect nang mag-return fire ang target ang mga salarin.