-- Advertisements --

CIDU

Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na kaniyang tututukan ang kaso laban sa isang police sergeant na nasa likod ng karumal dumal na pagpatay sa isang mantandang babae sa Fairview Quezon City.

Sinampahan na ng kasong murder gayundin ang kasong administratibo at dissmissal proceedings si M/Sgt. Hensie Zinampan.

Sinabi ni Eleazar hindi katanggap tanggap ang ginawa ng pulis.

Inatasan na rin ni Eleazar si QCPD director B/Gen. Antonio Yarra at Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo na i-expedite o madaliin na ang kaso ni Zinampan na naka-assign sa Police Security Protection Group.

Dismayado at galit na galit si Gen. Eleazar sa insidente kaya agad ito nagtungo sa QCPD para komprontahin ang suspek na pulis.

Pasado alas-9:00 ng gabi nang sundan ni Zinampan ang biktima na kinilalang si Lilybeth Valdez, 52, at residente ng Sitio Ruby, Brgy. Greater Fairview sa nabanggit na lungsod.

Bumibili lang ng sigarilyo sa kalapit na tindahan si Valdez nang barilin siya ni Zimpanan na noo’y hindi naka-duty.

Napag-alamang nasa ilalim pa ito ng impluwensya ng nakalalasing na alak.

Nakuhanan ng video ang insidente at nagviral pa ito sa Social Media subalit todo tanggi pa rin ang suspek sa kaniyang ginawa.

Nabatid na may lamat na sa pagitan ng biktima at suspek nang makasuntukan ni Zinampan ang asawa ni Valdez noong May 1 kung saan, nagbitaw pa ng pagbabanta ang nasabing pulis.

CIDU1