CENTRAL MINDANAO- Binawian ng buhay ang isang pulis sa pamamaril dakong alas 6:10 Biyernes ng gabi sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Police Patrolman Franklin Moyet,residente ng Kalamansig Sultan Kudarat at nakatalaga sa City Mobile Force Company ng Cotabato City Police Office.

Ayon kay Police Colonel Michael Lebanan ang Hepe ng City PNP na habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Demazenod Street Barangay Rosary Heights 4 Cotabato City ng ito’y harangin ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa syudad ng Cotabato.

Naisugod pa ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ngunit hindi na umabot ng buhay nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pamamaril patay kay Patrolman Moyet.