-- Advertisements --

Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga netizens na huwag i-click ang anumang link na may malaswang video sa Facebook.

Ito’y matapos tumataas ang bilang ng mga nagrereklamong mga netizens dahil sa mga random tagging.

Kamailan kasi ay marami ang nakaranas na na-tag sila sa malaswang video ng hindi kilalang tao.

Ayon kay PNP Spokesman Police BGen Rolando Olay, posibleng makompormiso ang personal information ng mga taong magc-click ng video.

Sakali umanong ma-tag sa malaswang video, ay dapat agad itong i-report sa facebook sa paglabag nito sa community standard.

Sa ngayon, sinabi ni Olay na nagmo-monitor na ang kanilang Anti-Cybercrime Group tungkol dito.

Bukas naman din silang tumanggap ng anumang reklamo sakaling may mabiktima at manakawan ng personal na impormasyon.