-- Advertisements --
Humirit ng dagdadg na panahon ang abogado ni Senator Chiz Escudero para magsumite ng affidavit sa Commission on Election.
May kaugnayan sa imbestigasyon ng Comelec ukol sa P30-milyon na donasyon kay Escudero mula sa contractor na sangkot din sa flood control project.
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia na humirit ng hanggang Miyerkules , Oktubre 15 ang abogado nito na magbigay ng mga papeles.
Una ng ibinunyag ng COMELEC na nakatanggap si Escudero ng campaign donation noong 2022 election mula kay Lawrence Lubiano, ang pangulo ng Centerways Construction and Development Inc.,