-- Advertisements --

Sisimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang voters registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre 20.

Ang registration na gaganapin sa buong bansa maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay magtatapos ng hanggagn Mayo 18.

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na voter registration ng Barangay at SK elections ng BARMM ay magsisimula naman sa Mayo 1 hanggang Mayo 18.

Gaganapin ito pagkatapos na isagawa ang BARMM parliamentary election sa buwan ng Marso.

Inaasahan ng COMELEC na mayroong 1.4 milyon na magpaparehistro sa itinakda nilang pitong buwan na registration.

Gaganapin ang Barangay at SK Elections sa Disyembre 2026.