-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas nila ng aplikante ng 6,589 na recruits ngayong taon.

Ayon kay PNP public information chief Brig. Gen. Randulf Tuaño na ang mga interesadong aplikante ay maaring magsadya sa kanilang mga local police station o maaring gawin ito online.

Mahalaga na isang Filipino citizen at pumasa sa body mass index, psychological , drug at physical test na isinagawa ng PNP.

Ang nasabin bilang ay inilaan para sa iba’t-ibang g regional offices at national support units.