-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng mga nagaganap na krimen sa bansa.
Mula kasi nitong Enero 1 hanggang Oktubre 9, 2025 ay mayroong 27,306 na focus crimes ang naitala.
Nangangahulugan nito ng 14 percent na mas mababa kumpara noong nakaraang 2024.
Ayon pa kay PNP spokesperson Police Brigadier General Randulf Tuaño , na noong 2024 ay mayroong 31, 878 na mga focus crimes.
Ang focus crimes ay kinabibilangan ng canapping, pagnanakaw ng motorsiklo, robbery, rape, theft, murder, homicide at physical injury.
Ang kaso ng rape ay siyang bumaba ng 22 percent na sinundan ng robbery na mayroong 17.35 percent.
Wala ring naitala ang PNP na mga looting insidents sa mga nagdaang lindol sa Cebu at sa Davao Oriental.