Pumanaw na ang R&B award-winning singer na si D’Angelo sa edad na 51.
Ayon sa pamilya na hindi na nakayanana ng singer na si Michael Eugene Archer sa tunay na buhay ang pakikipaglaban sa cancer.
Ang kaniyang tatlong album ay nagwagi ng apat na parangal mula sa Grammy Awards.
Ilan sa mga kantang pinasikat nito ay ang “Untitled- How Does It Feel” at maraming iba pa.
Nagsimula siya bilang songwriter kung saan nakasama niya sa trabaho ang mga singers gaya nina Lauryn Hill at The Roots.
Isinilang sa Richmond, Virginia at natutong tumugtog ng piano sa edad na tatlo.
Sumikat ito noong dekada 90 sa kaniyang unang album na “Brown Sugar” kung saan ang kanta nitong “Lady” ay umabot ng number 10 sa Billboards Hot 100 chart noong 1996.
Nalulong ito sa alak at muntik ng masawi habang nagmamaneho ng lasing noong 2005.
Bumalik siya sa paggawa ng kanta noong 2014 at inilabas ang album na “Black Messiah” at nagwagi ang album sa best R&B album noong Pebrero 2016.