-- Advertisements --

Pumanaw na ang Hollywood actor na si Robert Duvall sa edad na 95.

Sinabi ng asawa nitong si Lucianakampo nito na namayapa ang aktor sa bahay nito sa Middleburg, Virginia.

Pinuri nito ang asawa dahil sa bawat karakter na ginampanan nito ay kaniyang iniingatan.

Sa anim na dekada nito sa showbiz ay nakilala siya sa ilang mga matitikas na role gaya sa “The Godfather” at “Apocalypse Now”.

Nominado ito ng pitong beses sa Oscars kung saan nagwagi ito bilang best actor noong 1983 dahil sa pelikulang “Tender Mercies”.

Nagsimula itong maging aktor noong 1963 sa pelikulang “To Kill A Mockingbird”.